Calendar
Petisyon ng biyuda ni Degamo na humihiling ng expulsion ni Cong. Teves butata sa House Committee on Ethics
NABUTATA ang inihaing petisyon ng biyuda ng pinalsang na Governor ng Negros Oriental na si Roel Degamo na humihiling ng “expulsion” o pagpapatalsik kay suspended Negros Oriental 3rd Dist. Congressman Arnuflo “Arnie” Teves, Jr. matapos itong hindi pagbigyan ng House Committee on Ethics.
Ipinaliwanag ni COOP NATCCO Party List Congressman Felimon M. Espares, chairman ng Ethics Committee, na ang petisyon o sulat na ipinadala ni Pamplona Mayor Janice Degamo ay hindi “sworn complaint” o napanumpaan. Kung kaya’t maituturing ito na invalid kaya hindi ito maaaring aksiyunan ng Komite.
Sinabi pa ni Espares na kung hindi napanumpaan ang ipinadalang sulat ni Mayor Degamo. Nangangahulugan lamang aniya na hindi rin ito “qualified” sa kanilang Komite. Kung saan, marami pa umanong requirements ang kailangang gawin batay sa House Committee on Rules na dapat sundin.
Ipinabatid naman ni AKO Bicol Party List Congressman Raul Angelo Bongalon, miyembro ng Ethics Committee, na dahil hindi napanumpaan ang petisyon o sulat ni Mayor Degamo at itinuturing din ito ng Komite bilang “not filed”.
Nauna rito, naghain ng petisyon si Mayor Degamo noong nakaraang Marso para hilingin sa House Committee on Ethics ang pagpapatalsik kay Teves na itinuturong mastermind o utak sa pagpatay kay Governor Degamo.
“Actually we have decided and we have already responded, we have already replied. So for your information, the complaint was not able to qualify or pass it’s requirement in form and content. Unang una, it is not a sworn complaint. So kapag hindi siya sworn complaint, hindi na iyan mag-qualify sa Ethics Committee,” ayon kay Espares.