Pic10 Namuno sa kampanya ng Pilipinas ang umaangat na batang mananarget na si Miguel Archangel M. Cruz, matapos masungkit ang gintong medalya sa World Light Air Rifle (Junior Division) at dalawang tansong medalya sa World Light Rimfire at World Heavy Rimfire Rifle (Junior Division). Si Cruz ay anak ni Undersecretary Gilberto DC Cruz, Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

PH Benchrest Shooting Team, 3rd placer sa WRABF World Cup 2025 sa Finland

Alfred Dalizon Aug 20, 2025
402 Views

PUMANGATLO ang Philippine Benchrest Shooting Team sa prestihiyosong World Rimfire and Air Rifle Benchrest Shooting (WRABF) World Cup 2025 na ginanap sa Oulu, Finland, kung saan lumahok ang mga mananarget mula sa 28 bansa.

Sa kumpetisyon para sa air rifle, nagtagisan ang mga kalahok sa 25m Light Rifle, Heavy Rifle, at 50m Unlimited na mga kategorya.

Namayagpag ang rising junior shooter na si Miguel Archangel M. Cruz, na nanguna sa kampanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagwawagi ng gintong medalya sa World Light Air Rifle (Junior Division) at dalawang tansong medalya sa World Light Rimfire at World Heavy Rimfire Rifle (Junior Division).

Si Cruz ay anak ni Undersecretary Gilberto DC Cruz, Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Bilang resulta ng kahanga-hangang performance ni Cruz at ng kanyang mga kasamahan na sina Ronald B. Robles at Celedonio S. Tayao, nagtamo ng 3rd place overall ang Philippine Team sa Team Overalls.

Ang buong delegasyon ng Pilipinas ay binubuo nina:

Miguel Archangel M. Cruz

Ronald B. Robles

Celedonio S. Tayao

Jimmy T. Maniwang

Ramon I. Diaz Jr.

Richard C. Cases

Jose Maria Esteban

Vincent Troy G. Monte

Rosinee C. Monte

Valentin Miguel N. Lopez

Rafael Cruz Jr.

Pinamunuan ang koponan ni Delia M. Quidato at ginabayan ni Coach Maria Marcia M. Cleofas, kasama ang buong suporta ng mga pamilya, ni Usec. Cruz, Nathan Troy C. Monte, at Rosinee C. Monte.

Ipinahayag ng PAOCC ang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa shooting team sa kanilang tagumpay at sa pagbibigay-karangalan sa Pilipinas sa pandaigdigang entablado, kasabay ng pagpapakita ng disiplina, husay, at kahusayan.