Teodoro Defense Secretary Gilbert Teodoro

PH hindi gaganti sa China, pipigilan ano pang atake

Chona Yu Aug 26, 2024
60 Views

GAGAWIN ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat ng paraan para mapigilan ang ano mang armadong pag-atake ng China sa West Philippine Sea.

Sa ambush interview sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na walang balak ang Pilipinas na gumanti ng pag-atake laban sa China.

Binangga at binugahan ng water cannon ng China Coast Guard ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Escoda Shoal noong weekend.

Ayon kay Teodoro, ang pinakamahalagang gawin ngayon ng Pilipinas ay umiwas na lamang para mapigilan ang ano mang pag-atake ng China.

Hindi na ikinagulat ni Teodoro ang patuloy na pagiging agresibo ng China.

Katunayan, sinabi ni Teodoro na inaasahan na ito ng Pilipinas.

“Let us deter an armed attack. That is the more important thing, that is what I am focused on doing, everybody is too focused on armed attack. Let’s make ourselves strong enough so that that does not happen,” pahayag ni Teodoro.

“We have to expect these kinds of behavior from China because this is a struggle, we have to be ready to anticipate and to get used to these kinds of acts of China which are… paulit-ulit na nating sinasabing illegal pero wala silang pakialam,” dagdag ni Teodoro.