Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Dolyar

Philippine peso lalo pang humina

249 Views

MAS lalo pang humina ang Philippine peso kontra sa US dollar.

Ngayong Lunes, Setyembre 5 ay nagsara ang palitan sa P56.999:$1 ang bagong all-time low na palitan.

Mas mababa ito ng 22.9 sentimos sa P56.77:$1 na palitan noong Biyernes. Sa gitna ng araw ay umabot pa ito sa $57:$1 bago nagsaea sa P56.999:$1.

Ang paghina ng piso ay nangangahulugan na mas malaki ang gugugulin sa pagbili ng mga imported na produkto na kalimitang binabayaran sa dolyar. Magreresulta rin ito sa pagtaas ng gastos sa mga inaangkat na produkto kaya tataas ang presyo nito sa lokal na pamilihan.