Dolyar

Philippine peso muling bumagsak kontra dolyar

196 Views

MULING humina ang halaga ng Philippine peso kontra sa US dollar.

Nagsara ang palitan noong Biyernes, Setyembre 16, sa P57.43:$1, humina ng 27 sentimos kumpara sa P57.16:$1 noong Setyembre 15.

Ito na ang bagong all-time low sa kasaysayan ng Philippine currency.

Tinalo nito ang P57.18:$1 na naitala noong Setyembre 8.