Kanlaon

Phivolcs: Bulkang Kanlaon nagkaroon na naman ng pagsabog

16 Views

NAGKAROON na naman ng pagsabog ang bulkang Kanlaon sa Negros Island, nitong Martes ng umaga, ayon sa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, nagbuga ang bulkan ng abo ng humigit-kumulang 4.5 kilometro sa mga kalapit na bayan, habang ang mga lokal na pamahalaan ay nagtatala ng mga boto sa nangyaring halalan noong Lunes,

Sinabi ng Phivolcs, tinangay ang ashfall sa La Carlota City sa mga barangay ng Cubay, San Miguel, Yubo at Ara-al; mga barangay ng Bago City sa Ilijan at Binubuhan, at mga brgy ng La Castellana sa Biak-na-Bato, Sag-ang, at Mansalanao.

“A level 3 alert — out of a scale of five — put in place during an eruption in December remained unchanged Tuesday, as officials highlighted an existing 6-kilometer evacuation radius. A moderately explosive eruption occurred at the summit crater of Kanlaon Volcano at 2:55 a.m. today,” state volcanologists said, adding that it lasted 5 minutes,” ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol,

Aniya, ang moderately explosive eruption ay naganap sa summit crater ng Kanlaon Volcano, bandang 2:55 ng madaling araw nitong Martes, na tumagal ng limang minuto.

Sinabi ni Bacolcol, posible pa rin ang ang biglaang phreatic eruptions, lalo na’t tumataas ang volcanic earthquakes sa Kanlaon.

Nanawagan din ang Phivolcs chief, sa mga local government units (LGUs) na maging handa para sa mga posibleng paglikas kung ang aktibidad ng bulkan ay lumakas at idineklara ang Alert Level 4.

Bukod sa Kanlaon, masusing binabantayan din ng Phivolcs ang mga bulkang Mayon at Taal, na kasalukuyang nasa Alert Level 1.