Calendar
Pilipinas magiging reborn bilang ´Build, Better, More´
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na magiging ng reborn ang Pilipinas bilang “Build Better More.”
Sa panayam ng South Korean business newspaper, sinabi ni Pangulong Marcos na nasa 200 major infrastructure projects ang magiging kapartner ng Pilipinas ang South Korea.
Nagpulong sina Pangulong Marcos at Chang Dae-hwan, chairman ng Maegyeong Media Group sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Pangulong Marcos, best partner ng Pilipinas ang South Korea sa pagpapalago ng ekonomiya.
I-upgrade ni Pangulong Marcos ang mga underdeveloped facilities sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” bilang banner.
Tutukan ni Pangulong Marcos ang ports, railroads, clean energy facilities at semiconductor supply chains, pati na ang turismo at iba pa.
Pinupursige ni Pangulong Marcos na matuloy na ang ‘PGN Maritime Bridge Project,’ na isang super-large infrastructure project na nagkokomekta sa tatlong isla ng Panay, Guimaras at Negros.
Mayroon itong kabuuang haba na 32.47 kilometro at suportado ng Korea Foreign Economic Cooperation Fund (EDCF).
Matatandaan na noong Pebrero lamang, nanalo ang Incheon International Airport Corporation bilang bidder sa ‘Project to Develop and Operate Ninoy Aquino International Airport.
Bukod dito, palalakasin din ni Pangulong Marcos ang pagsusuplay ng Pilipinas sa South Korea ng mga prutas gaya ng saging at mangga.