Calendar
Parangal sa Pilipinas Sambo.
Pilipinas Sambo, humakot ng parangal sa Davao Sports Heroes Night
APAT na major awards ang nakuha ng Pilipinas Sambo Federation Inc. sa kakatapos na Sports Heroes Night na idinaos sa Davao City nitong Linggo, September 29.
Kinilala ng Southern Sports Digest at Davao Sportswriters Association, na binubuo ng mga Davao-based sportswriters, ang mga natatanging atleta, coaches, organizations at partners ng DSA na malaki ang ginagampanang papel sa suporta sa Philippine Sports.
Nakuha ng magkapatid na Sydney at Chino Sy-Tancontian ang inaasam na Female at Male Athlete of the Year honors dahil sa kanilang pagkamit ng iba’t ibang karangalan sa combat sports.
Tumatayo ngayon na FIAS Athletes Commission chairperson si Sydney, na nagwagi ng ginto sa Asia and Oceania Sambo Championships sa Tashkent, Uzbekistan at US Open International Sambo
Cup sa Atlanta, Georgia, USA nitong Abril, habang nasungkit ni Chino ang ginto sa European Students Sambo Cup sa Serbia ngayong buwan.
Isa rin si Chino sa mga nabigyan ng Olympic Solidarity Scholarship para sa 2028 Los Angeles Olympics.
“This recognition is not only mine but also to my family, teammates, coaches, friends, and loved ones, the people who have been with me through every defeat and victory. This athlete today will not be a possibility if not for your unfailing support and belief in me, “sambit.ni Chino sa kanyang social media post.
Samantala, inuwi naman nI Pilipinas Sambo head coach Ace Larida ang Coach of the Year at ang Pilipinas Sambo na pinamumunuan ni Paolo Tancontian bilang NSA of the Year dahil sa higit isang dekada na tagumpay sa larangan ng sambo kabilang ang pag-produce ng mga katulad ng magkakapatid na Sy-Tancontian at Aislinn Yap na current World #1 sa combat sambo.
Natanggap rin ni Paris Olympics bronze medalist Nesthy Petecio ang isa sa mga special awards ng nasabing gabi ng parangal . Kinatawan sita ng kanyang ina na si Priscilla. By Gab Ferreras

