teacher

Pinay fighter Guro hindi uurong sa laban

Ed Andaya Mar 19, 2022
404 Views

TIWALA si World Boxing Council (WBC) Asian Continental atomweight champion Norj Guro na makakabilang siya sa humahabang listahan ng mga Filipino world champions sa kanyang pagsabak laban kay Denise Castle ng England sa Rising Sun: Dubai promotions sa Habtoor Grand Resort sa Dubai, UAE.

Nangako si Guro, na ipinagmamalaki ng Iligan City, na pipilitin niyang pabagsakin kaagad si Castle sa unang bahagi ng kanilang 12-round na sagupaan para vacant WBC Silver atomweight crown sa March 26.

“Pipilitin ko po talagang manalo kaya naman puspusan talaga ang paghahanda namin dito sa Cebu para sa laban ko sa Dubai,” pahayag ni Guro sa weekly “Sports On Air” vodcast kamakalawa.

“Kung kayang tapusin agad ang laban, tatapusin ko agad. Hindi naman ako magpunta sa Dubai para mag-shopping kundi para makuha yun korona,” dagdag pa ng 31-year-old fighter mula Iligan

City, na nanalo na ng WBC Asian Continental minimumweight crown laban kay Umi Ishikawa ng Japan sa San Pedro, Laguna nung March, 2018.

Tinukoy pa ni Guro, na sinamahan ng kanyang coach na si Brix Flores sa naturang weekly online forum, na sasandal siya sa kanyang mahabang karanasan laban sa mas mataas at mas nakatatandang si Castle.

“Madami na din akong nakalaban kumpara sa kanya (Castle) kaya mataas ang kumpiyansa ko ngayon,” dugtong ni Guro, na may ring record na 11 wins, seven losses and one draw.

Inamin pa ni Guro na lahat ng kanyang pitong talo sa makulay na seven-year career ay nalasap nya sa mga foreign opponents mula Japan, South Korea, Thailand at Mexico.

“Madami na din akong natutunan sa mga nakalipas na laban ko. Lumaban na ako sa Japan, Korea, Thailand at Mexico mula 2012-2017. Dito sa Dubai, gagawin ko ang lahat para manalo,” sabi pa ni Guro, na kasalukuyang may four-match winning streak mula July 2017 hanggang May 2018.

Ang kanyang pinakahuling laban — na isang unanimous decision victory laban sa kababayang si Joan Ambalong — ay naganap sa Lanao del Norte nung May 7, 2018.

“Hindi naman ko nag-aalala dun sa matagal na lay-off dahl sa pandemic. Patuloy naman yun pag-alaga ko sa kundisyon ko. Pati sa wastong pagkain, hindi ako nagpapabaya,” paliwanag pa ni

Guro, na minsan na ding naanyayahan na dumalo sa try out para sa national kickboxing team.

Sinabi naman ng kanyang coach na si Flores na maituturing na special fighter si Guro dahil sa kanyang passion at dedication sa kanyang profession.

Insasahan din niyang madodomina ni Flores ang laban kay Castle.

“Tiwala naman ako sa kakayahan ni Norj (Guro). Masipag siya sa training at talagang pursigidong manalo. She has been training here in Cebu for four weeks now,” susog ni Flores, na kilala din bilang sikat na trainer ng mga amateur boxers.

“Sa laban sa Dubai, ang bilin ko pasukin nya agad kapag may pagkakataon. Kung maaari, lumaban agad ng sabayan dahil nga mas bata siya,” paliwanag ni Flores, na umaming nanood ng mga nakalipas na laban ni Castle bilang bahagi ng kanilang paghahanda.

Si Castle, na dating professional muaythai fighter, ay may hawak na 3-2 record simula sumubok maging boxer.

Panauhin sina boxing champion Norj Guro at coach Brix Flores sa “Sports On Air” program kamakalawa.