Lacson

Ping hindi umatras sa laban

Nelo Javier Mar 26, 2022
224 Views

KUMPIRMADO na ang tunay na dahilan kung bakit binayaran umano ni Leni Robredo si Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez ng P800 milyon ay para obligahin diumano si Ping Lacson na umatras sa presidential race at ibuhos na lang sa kanya ang suporta ng senador.

Pero sumablay ang plano ng hindi pumayag na umatras si Ping at nagdeklara pa na lalaban siya bilang isang independent.

Una na nang sinabi ni Ping na hiningan siya umano ng P800 million ni Alvarez para sa kanilang kampanya kuno ng kanilang local bets sa probinsya.

Ito rin ang iginiit ng isang source kasabay ng pagkumpirma na kaya nagbigay ang kampo ni Leni Robredo ng naturang halaga dahil ay sa pag-aakala nito na mapapaatras nila si Lacson sa pagtakbo bilang pangulo.

“Ang problema pumalpak ang plano nila dahil hindi naman umatras si Sen. Ping. Tatakbo pa rin siya as independent,” ayon sa source.

Sa pahayag ni Lacson pera at hindi survey ang dahilan kaya siya inilaglag ng Partido Reporma at sinuportahan si Robredo.

“He (Alvarez) also cited pre-election surveys as his primary reason for switching his support which of course I don’t believe because he forgot that like me, Mayor Isko and Sen Pacquiao, his newly chosen candidate(Leni) is also lagging far behind the survey leader ( Bongbong Marcos),” ani Lacson.

“Time to call a spade a spade. It was actually more about the issue of campaign expenses for their local candidates. His chief of staff was asking for P800 million in additional funding which I honestly told him I cannot produce,” dagdag pa niya.

Idinagdag naman ng source na nagkakagulo ngayon sa kampo ni Robredo matapos pumalpak ang kanilang plano na paatrasin si Lacson sa karera.

“Parang nagsisisihan sila dahil nga palpak at hindi umubra ang plano nila. Tapos ang laki pa nang inilabas nilang pera,” binanggit ng source.