Kotse ng photojournalist pinasabog sa harap ng bahay
Feb 22, 2025
Merlat tumatanggap ng minor role dahil may mga utang
Feb 22, 2025
Calendar

Nation
Pinsala ng bagyong Florita sa agrikultura mahigit P1
Cory Martinez
Aug 28, 2022
207
Views
TINATAYANG nasa P1.13 bilyon umano ang pinsala ng bagyong Florita sa agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture nasa 6,647 magsasaka sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Bicol Region ang naapektuhan ng bagyo.
Apektado umano sa pananalasa ng bagyo ang 44,922 hektarya ng taniman ng palay, mais at high-value crops bukod pa sa paghahayupan.
Upang matulungan ang mga magsasaka, mamimigay umano ang DA ng mga binhi ng palay, mais at gulay. Mamimigay din ang DA ng gamot para sa baka, baboy, at manok.