Simba

Plano ng 3 menor na mass shooting sa paaralan sa Batac naharang ng NBI

Jon-jon Reyes Nov 17, 2026
18 Views

AGAD nahadlangan ng mga ahente ng NBI ang umano’y plano ng tatlong menor de edad na magsagawa ng mass shooting sa isang paaralan sa Batac , Ilocos Norte.

Ayon kay NBI Directo Melvin Matibag, ang impormasyon ay nagmula sa FBI hinggil sa mga pag-uusap online.

Base sa counterpart ng NBI sa abroad, may group chat kung saan may usapan umano ukol sa plano ng pamamaril na gaganapin sa simula ng simbang gabi.

Agad inatasan ni Matibag ang task force at naaresto ang tatlong menor de edad.

Nang imbestigahan ay umamin umano ang isa sa kanila sa plano ng pamamaril.

Ang kanilang mga pahayag ay nagtutugma sa isinagawang Imbestigasyon.

Ang mga menor de edad ay pawang mga naninirahan sa nabanggit na lugar base sa kanilang mga pag-uusap group chat. Sila ay agad nai-turn over sa social workers.