Calendar
Illegal na tambutso, muffler sinira sa seremonya sa San Antonio
SAN ANTONIO, Nueva Ecija — Binalaan ni Municipal Councilor Arcie ‘RC’ P. Cruz, SB chairman ng Committee on Peace & Order & Public Safety, ang kanyang mga kababayan tungkol sa paghihigpit sa pagpapatupad ng kapulisan sa kampanya kontra sa maiingay na tambutso o mufflers ng motorsiklo dito.
Ayon kay municipal police head Major Ernesto V. Esguerra, nagsagawa ng dalawang-linggong operasyon ang kapulisan katuwang ang mga force multipliers sa barangay at ito ay inipon lahat para sa pagsasagawa ng ceremonial destruction ng mga ito gamit ang mini-backhoe dito sa munispiyo.
Sinaksihan ang nasabing aktibidad ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan matapos ang kanilang Regular Session nitong alas tres ng hapon, Lunes, Nov. 16,2026.
Pahayag ni Esguerra, dere-derecho at tuloy-tuloy itong operasyon bilang bahagi ng implementasyon ng SAFER CITIES initiatives ng Department of the Interior and Local Government sa atas ni SILG Jonvic Remulla kasabay ng pagpapatupad ng ordinansa kontra loud mufflers o tambutso ng San Antonio municipal government.

