Summit

Pagtiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan idiniin sa 3rd railway safety summit sa San Pablo

Gil Aman Nov 17, 2026
5 Views

Summit1PARA sa kaligtasan ng mga mamamayan, sa pangatlong pagkakataon isinagawa ang railway safety summit na pinamunuan ng ahensiya ng Philippine National Railway (PNR) kasama ang iba pang grupo ng pamahalaan na idinaos sa Convention Center, Brgy. San Jose Malamig ,San Pablo City.

Pinangunahan ang summit nina Quezon Gov. Helen Tan at Laguna Gov. Sol Aragones at dinaluhan ng mga opisyal ng barangay ns dinadaanan ng mga train.

Pinasalamatan sila ni PNR Board of Direcor Chairman Richard Peralta.

Malugod na tinanggap ang mga dumalo ni San Pablo City Acting Mayor Carmela Acebedo.

Nagbigay ng karagdagan train safety measures ang mga representatives ng DILG, LTO, at iba pang ahensiya.

Idiniin sa summit ang kahalagahan ng pagsunod sa alituntuning ‘stop, look and listen’ dahil buhay ng tao ang nakasalalay kung magkaroon ng sakuna sa railway o tren.