BBM1 Inatasan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang TESDA na pag-aralan ang mga istratehiya at tiyakin ang mga proyekto ay nakalinya sa mithiin ng administrasyon para sa inklusibo at tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya.

Plano ng TESDA na hanapan ng pondo unfounded programs sinang-ayunan ni PBBM

Chona Yu Jan 17, 2025
9 Views

BBM2SANG-AYON si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa plano ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na hanapan ng pondo ang mga unfunded programs ng ahensya.

Sa pulong sa Malakanyang kaugnay ng agency budget review sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, natuklasan na bagama’t tumaas ng P20.73 bilyon ang budget ng TESDA sa mula sa dating P18.50 bilyon sa National Expenditure Program, hindi naman napondohan ang ilang mahahalagang programa.

Nabatid na kabilang dito ang paglikha ng Enterprise-based Training Office at pagtatatag ng bagong Regional Office para sa Negros Island Region.

Patuloy na pinaninindigan ang administrasyon ni Pangulong Marcos na gawing prayoridad ang edukasyon at pagsasanay upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino. \

Kaugnay dito, inatasan ang TESDA na pag-aralan ang mga istratehiya at tiyakin ang mga proyekto ay nakalinya sa mithiin ng administrasyon para sa inklusibo at tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya.