Calendar

Plantasyon ng marijuana sinunog; PDEA walang naarestong suspek
SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang malaking taniman ng marijuana sa bundok na boundary ng Sugpon, Ilocos Sur at Kibungan, Benguet at sinunog ang P2.8 million na halaga ng ipinagbabawal na damo pero walang naarestong suspek na nangangalaga sa plantation.
Ayon sa report ni PDEA Director General Isagani Nerez, ginapang ng mga miyembro ng PDEA Ilocos Sur ad La Union Provincial Offices at National Special Enforcement Team-Luzon 1, sa tulong ng mga operatiba ng Sugpon police ang nasa 1,800 square-meter na marijuana plantation site sa Mt. Kayapes.
Nasa Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur at Brgy. Tacadang sa Kibungan, Benguet ang plantation.
Ayon kay PDEA Regional Office 1 Regional Director, Director III Joel Plaza, binunot, winasak at sinunog ng kanilang grupo ang 14,400 piraso ng fully-grown marijuana plants and seedlings na may halagang P2,880,000.