Suspek

PNP pinuri sa pag-aresto sa suspek sa pagpatay kay Que

10 Views

PINURI ni Senador Sherwin Gatchalian ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang mabilis at masigasig na pagkilos na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at sa kaniyang driver na si Armanie Pabillo.

“I commend the Philippine National Police for its swift and relentless action that led to the arrest of the suspects in the heinous kidnapping and killing of Anson Que and his driver Armanie Pabillo,” pahayag ni Gatchalian.

Gayunpaman, binigyang-diin niya na hindi pa rito nagtatapos ang laban. “However, the fight doesn’t end here. We must ensure that everyone involved in this heinous act—whether as perpetrators, accomplices, or masterminds—is identified and held fully accountable,” dagdag pa niya.

Ipinaalala rin ng senador ang obligasyon ng pamahalaan: “Responsibilidad nating itaguyod at protektahan ang buhay ng ating mga kababayan.” Dagdag pa niya, “Let this serve as a message: Justice will catch up with those who choose to sow fear and violence in our communities.”

Ayon sa mga ulat, tatlong suspek na ang nasa kustodiya. Sina Ricardo Austria David at Raymart Catequista, kapwa Pilipino, ay naaresto sa Palawan.

Samantala, sumuko naman sa mga awtoridad ang isang Chinese national na si David Tan Liao, na kilala rin sa mga alyas na Xiao Chang Jiang at Yang Jianmin. Si Liao umano ang itinuturong utak ng krimen.

Batay sa mga ulat ng pulisya, huling nakita sina Que at Pabillo noong Marso 29 matapos umalis mula sa opisina ni Que sa Lungsod ng Valenzuela. Sinasabing dinala sila sa isang bahay sa Meycauayan, Bulacan, kung saan sila ikinulong.

Ayon sa imbestigasyon, nagbayad umano ng ransom na tinatayang ₱200 milyon sa pamamagitan ng cryptocurrency. Kapwa pinatay ang mga biktima noong Abril 8 at natagpuan ang kanilang mga bangkay kinabukasan, Abril 9, sa Rodriguez, Rizal.

Ipinabatid ng mga awtoridad na may iba pang suspek na pinaghahanap pa. Sa ulat ng PNP, may dalawang Chinese nationals pa ang umano’y nandoon sa lugar habang bihag pa ang mga biktima.