Grace Poe

Poe tinutulan napipintong pagtaas ng PhilHealth contribution ng mga miyembro

165 Views

BIGYAN ng kaunting kaluwagan naman ang ating mga kababayan lalo na ang mga miyembro ng PhilHealth sa napipintong pagtataas ng kontribusyon na naman ng mga ito.Ito ang mariin na panawagan ni Sen. Grace Poe kung saan ay iginiit niya na napakaraming pagsubok ang pinagdadaanan ngayon ng bansa at ang anumang pagtataas na gagawin ng PhilHealth ay hindi makatarungan.

Si Poe na nananawagan kay Pangulong Marcos Jr., sa kanyang panukala ay humihingi na ipahinto ang napipintong pagtaas ng nasabing kontribusyon dahil na rin aniya sa bigat na dinadala ng mga kababayan natin sa kasalukuyan.

Ayon sa senadora na siyang chairman ng Senate Committee on Public Services, ang sunod sunod na pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa merkado dahil na rin sa ibat ibang kadahilalan tulad ng giyera sa Ukraine, ang Covid 19 at iba pang mga pagsubok na kinakaharap ng bansa ay sadyang nakaka apekto sa takbo ng pamumuhay ng ating mga kababayan.

“Right now, we must heed their distress call for food to feed their families and jobs to help them get by, with the least burden and utmost support from the government,” ani Poe.

Nuong nakaraang Enero 2021, mismong si President Duterte ang pumigil at nanigurado na hindi magkakaroon ng karagdagan bayad ang mga miyembro ng PhilHealth sa kanilang kontribusyon dahil na rin sa hikahos na sitwasyon ng ekonomiya dulot ng pandemya.

“By giving the President the power and authority to suspend such increases in times of need, we are also providing our countrymen a critical lifeline,” giit ni Poe.

Ang nasabing panukala ni Poe ay magpapatigil sa PhilHealth na gawin ang napipintong pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro nito simula ngayon Hunyo.

Sa kasalukuyan , ang premium rate ay 4 percent kumpara sa dating 3 percent at magiging retroactive ang sistema ng pagtataas mula Enero ng taung kasalukuyan hangang Mayo.

Sa ilalim ng batas ang pagtataas ng premium rate ay papatak na 0.5 percent kada taun mula 3 percent nuong 2020 hangang sa pumalo ito ng 5 percent.