Vic Reyes

Ports of entry bantay sarado ng BOC

Vic Reyes Apr 22, 2026
31 Views

MAPAGPALANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, at Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Hiroki Hayashi, La Dy Pinky, Winger dela Cruz, Glenn Raganas, Mama Aki ng Ihawan, Endo Yumi, , Roana San Jose, Josie Gelo,Yoshiko Katsumata, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Tino Belen, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless!

***

Nakakagalit na ang patuloy na pagtatangka ng mga ismagler na magpasok sa bansa ng mga ipinagbabawal na gamot.

Mabuti na nga lang at nahaharang sa ports of entry ang mga kontrabando dahil bantay sarado ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).

Sa tulong ng partner-agencies, na kagaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nadidiskubre ng BOC ang mga illegal drugs.

Kung sabagay, mahirap na talagang lumusot sa mga ports of entry ang mga kontrabando dahil nandiyan ang mga scanning machines at highly-trained sniffing dogs.

Kung may mga nakalulusot naman, natutunton rin ang mga ito sa pamamagitan ng intensified intelligence work.

Noon ngang Abril 20 ay nag-turn over sa PDEA si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng kumpiskadong Ketamine na nagkakahalaga ng P30.7 milyon.

Ang Ketamine ay na-intercept ng mga tauhan ng Port of Clark sa Pampanga noong nakaraang Marso dahil sa derogatory information na kanilang natanggap mula sa PDEA.

Ang PDEA ay ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Dahil sa impormasyon ay na-flagged ang shipment. Idinaan sa K-9 sniffing at x-ray scanning.

Dahil nakitaan ng suspicious images ang shipment agad itong binuksan. Dito na nakita ang anim na transparent plastic pouches na may lamang white crystalline substances.

Nakumpirma nga na ang mga substances ay Ketamine pala.

Ang operation ay isinagawa sa tulong PDEA-Airport Interdiction Unit at ng Clark Agency Task Force Against Illegal Drugs.

Ang intensified campaign laban sa illegal drugs ay suporta sa programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-secure ang mga border.

Ito ay para maprotektahan ang “communities from narcotics.”

Sa ngalan ni Commissioner Nepomuceno, sinabi ni Enforcement Group Deputy Commissioner Nolasco K. Bathan na ang operasyon ay nagpapakita ng magandang pagtutulungan ng BOC at PDEA.

Isang retiradong police general, sinabi ni Bathan: “The interception and turnover of the contraband stand as a testament to the BOC, PDEA and partner law enforcement agencies’ unified approach to deter smuggling and dismantle international drug trafficking networks.”

***

Mabuti naman pinalaya na ng mga otoridad ng Myanmar ang 78 na kababayan nating nakakulong sa nasabing bansa.

Ang mga Pilipinong ito ay ikinulong dahil sa immigration-related offenses. Sila’y mga biktima ng international scamming syndicates.

Paulit-ulit na nagwa-warning ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Bureau of Immigration (BI) laban sa mga online scammers.

Sila ay nagre-recruit ng mga Pilipino para magtrabaho sa labas ng bansa. Idinadaan sila sa tinatawag na“backdoor” exit scheme.

Pagdating sa ibang bansa ay pipilitin silang magtrabaho bilang “online scammers.

Nagpasalamat naman ang DFA sa Myanmar “for this compassionate and humanitarian gesture.”

***

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email:philipreyes08@yajoo.com.)