Calendar
Metro
Poste, kable bumagsak; 2 riders nasugatan
Edd Reyes
Jun 30, 2026
131
Views
DALAWANG riders ang nasugatan ng tamaan ng bumagsak na kawad ng kuryente mula sa bumagsak na poste ng Meralco noong Lunes sa Navotas City.
Nangyari ang insidente dakong alas-7:28 ng gabi sa Marala Bridge matapos unang bumagsak ang isang malaking poste at nahagip ang mga kawad ng kuryente na dahilan ng pagbagsak ng poste ng Meralco.
Nagresponde ang mga tauhan ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), mga pulis, City Traffic and Parking Management Office (CTPMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang asistihan ang nasugatang riders at i-cordon ang lugar.
Naglabas din ng abiso ang Navotas sa mga motorista na maghanap muna ng alternatibong daan at pinaalalahanan din ang mga pedestrians na iwasang magdaan sa lugar.
2 ‘nangholdap’ ng helper huli sa Tondo
Aug 2, 2026
Suspek sa sexual assault inaresto
Aug 2, 2026
Salesdaly na wanted sa kasong gahasa, nasakote
Aug 2, 2026
5 nasawi sa nasunog na apartment sa Caloocan
Aug 2, 2026
Kahera timbog sa pangnenenok sa kita ng hotel
Aug 1, 2026

