Calendar
Powerplay nakitang dahilan sa harassment, rape sa trabaho
POWERPLAY ang nakikitang dahilan ni Sen. Robinhood Padilla kung bakit nagkakaroon ng sexual harassment at pang aabuso sa mga working places.
Ayon kay Sen. Padilla, chairperson ng Senate Committee on Public Information on Mass Media, kapit sa patalim ang mga naghahanapbuhay hindi lamang sa ordinaryong mga lugar lalo na sa mundo ng Showbiz at maging sa mga eskwelahan.
“Ang powerplay po kung saan gamit ang kapangyarihan–ang kanilang lakas at kakayahan para i-promote ang tao ang siyang kadalasan nagagamit at naaabuso at dapat natin aminin na ang sexual harassment at abuse nangyayari sa showbiz gayundin sa ibang lugar kung saan naghahanap-buhay lamang ang ating manggagawa,” ani Padilla sa ikatlong pagdinig sa ilalim ng kanyang komite ukol sa reklamong abuse at harassment.
Ipinaliwanag ni Padilla na ang mga rape incident hindi lamang bumibiktima sa mga babae kundi pati mga kayat dapat maging maliwanag ang batas na magbibigay proteksyon para sa mga babae, mga lalaki at maging miyembro ng LGBTQ.
Hindii um-attend sa ikatlong pagkakataon ng pagdinig ng komite si Sparkle actor Sandro Muhlach at ang kanyang ama na si Nino Muhlach at ang dalawang GMA 7 contractors na inaakusahan ng sexual harassment at pang aabuso na sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz.
Mariing itinanggi ng dalawang akusado ang alegasyon na ibinabato ng mga Muhlach sa kanila at sinabing wala itong katotohanan.
Samantala, sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, isa sa mga resource persons, na dapat maging makatarungan ang ating batas na lumang-luma na tulad ng Unjust Vexation at Act of Lasciviousness.
“We have to revisit other laws which were crafted in circa 1932 that include Unjust Vexation na ang penalty is only P200. Act of Lasciviousness na ang biktima babae lamang.
Papano naman kung lalaki ang biniktima? Hindi sila kasama sa batas na ito. Kaya’t kailangan na i-revise na lahat ang nasa revised penal code sa kasalukuyan although there is already some laws that include Safe Space Act na hindi masyado clear and also the Bawal Bastos Law that was passed in 2019,” ani Kapunan.
Samantala, tinalakay din ang obligasyon ng mag asawa sa isat isa sa puntong ng pangangailangan kung saan nilinaw ni Kapunan na sa ilalim ng Family Relations Act of 1988 maaari nang tumanggi sa sinuman sa kanila at hindi na obligasyon ang sex kung hindi gusto ng lalaki o babae.
“We have to respect the human body. No is no and if the man or the wife refuse to submit to any sexual act, there is no way that you can impose your will on your partner. Mutual respect is important,” paglilinaw ni Kapunan.
Para kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, dapat na mas pagtibayin ang batas sa ilalim ng Republic Act 11313, o mas kilala bilang Safe Spaces Act.
Inalam din ni Tolentino sa mga resource person kung anong mga hakbangin ang dapat isagawa ng mga may ari ng kompanya upang maiwasan ang mga ganitong uri ng sexual harassment sa iba’t-ibang lugar.