Belle

Presscon naging makulay, buhay na buhay dahil kay Belle

Eugene Asis Mar 3, 2026
198 Views

NAGING makulay at buhay na buhay ang Star Magic Spotlight presscon nang makasama sa unang pagkakataon ang Gen Z Superstar na si Belle Mariano.

Bilang isa sa mga pinaka-in demand na artista sa industriya ngayon, patuloy niyang binibigyang-kahulugan ang pagiging isang tunay na well-rounded na artista. Mula sa telebisyon at pelikula, isa rin ang musika na passion ni Belle . Ni-launch kamakailan ang kanyang pinakabagong album na “Like U.”

“Ever since po kasi, I feel like my heart is really drawn to music,” bahagi niya. “This is something talaga na I’ve always wanted… With everything that’s happening, we want to put something out there na light and very gentle sa puso natin… Hopefully sa mga makikinig pa po ng music ko, na ‘yun yung message na maparating namin,” sabi ni Belle tungkol sa kanyang first love, ang pagkanta.

Ini-announce rin ang pagbabalik sa big screen ni Belle kasama si Donny Pangilinan na may title na “Tayo Sa Wakas.”

“Siyempre we expect something more mature. I feel like this one is more emotional. Mas puno ng emosyon at feeling ko sobrang ma-cha-challenge ako sa role na ito, but I’m excited for that challenge.” sabi ni Belle.

Bukas ang dalaga sa pagtanggap ng mga bida-kontrabida roles na malayo sa kanyang comfort zone. “As for now that’s my dream role, kasi feeling ko iba ‘yung challenge doon, diba? Parang you’re playing dalawang roles.”

Hangad rin ni Belle na mas marami pang magawa pagdating sa kanyang music career. “To be able to put out more songs na sulat ko po. Gusto kong makapagsulat ng kanta… I just really need to have that time to write and think,” bahagi ni Belle.

Samantala, available na ang “Like U” sa lahat ng streaming platforms na tiyak na magugustuhan ang kanyang followers. Sa bawat proyekto, pinapatunayan ni Belle ang kanyang staying power bilang isa sa mga in-demand artists ng kanyang henerasyon.