Manny

Bob Arum naniniwala na malayo ang mararating ni Eman

Aster A Amoyo Mar 4, 2026
297 Views

EmanEman1SANA totoo ang balitang lalagda ang fast-rising Filipino young boxer na si Eman Bacosa Pacquiao (22), anak ng world champion and boxing icon na si Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada, USA-based Top Rank Promotions na pinamumunuan ng American lawyer at boxing promoter na si Bob Arum.

Ang Top Rank boxing promoter na si Bob Arum ang siyang namahala ng mga super fights and major fights ng iba’t ibang world-class boxing personalities which include Manny Pacquiao himself, Muhammad Ali, Alexis Arguello, Terence Crawford, Oscar de la Joya, Roberto Duran, Joe Fraizer, George Foreman, Sugar Ray Leonard, Floyd Mayweather, Jr., Erik Morales, Juan Manuel Marquez, among others.

Dalawang taon umano ang magiging kontrata ni Eman sa Top Rank Promotions na siyang magdadala sa young Filipino boxing champ for world recognition tulad ng kanyang amang si Manny. Part of the two-year contract ay may signing bonus si Eman na $120,000 which is equivalent to about P7M.

Ang ama ni Eman na si Manny ang nag-recommend sa kanyang anak kay Bob Arum na agad nag-check sa profile ng young Filipino boxer.

Naniniwala umano si Bob na malayo ang mararating ni Eman bilang isang boksingero at meron nang tagapagmana ang ama nitong boxing icon na si Manny Pacquiao.

Ngayon pa lamang ay inuulan na si Eman ng mga biyaya sa Pilipinas. Bukod sa may sarili na itong inspirasyon sa katauhan ng Kapuso young star na si Jillian Ward (although wala pang pag-amin ang dalawa liban sa pagiging mag-kaibigan), sunud-sunod din ang dating ng mga endorsements sa binatang anak ni Manny. Nariyan ang Belo Medical Group, Swatch Watches, Yamaha Motorcycle, Bench, Str8, I Am Barley, Weather Gard at iba pang kasunod.

Masuwerte ang Sparkle GMA Artist Center dahil naagapan nila ang pagpapapirma ng management and build-up contract with Eman liban sa mga boxing deals na tiyak na hahawakan ng kanyang amang si Manny Pacquiao.

Bukod sa pagiging mahusay na boksingero tulad ng kanyang ama, minana rin nito sa kanyang ama ang pagiging respectful at pagiging malapit sa Diyos kaya sunud-sunod ang blessings na dumarating kay Eman.

Speaking of Eman, agad napalapit sa kanyang pamilya ang kanyang rumored girlfriend na si Jillian Ward, gayunin ang ina ni Jillian kay Eman at sa kanyang pamilya, ang Fil-Am na si Jennifer Warde-Penzon (na hiwalay na sa mister na si Elton Penzon).

This early ay marami na ang nagi-speculate kina Eman at Jillian as the next Manny and Jinky Pacquiao tandem.

Kung si Manny (na nasa Amerika nung recent fight ni Eman) ay agad nag-Facebook Live para ipaabot ang kanyang pagbati,suporta at pagiging proud sa anak at ang kanya ring pagsuporta sa lovelife (?) nito, pinanood din ng lola ni Eman na si Aling Dionisia ang laban ng kanyang apo laban sa Indonesian young boxer na si Reynold Kundimang sa kanyang mobile phone. Tuwang-tuwa si Aling Dionisia nang mapabagsak ng kanyang apo ang kalaban nito.

KZ kumalas sa music contract

KZKZ1MATAPOS ang four-night sold-out concert ng mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde at the Big Dome (Araneta Coliseum) nung nakaraang February 6, 7, 8 & 9, 2026 na pinamagatang “In Between at the Big Dome” na pinamahalaan ng actor-director na si John Prats, nag-deklara si KZ na tinanggal na umano niya ang recording sa kanyang management with Cornerstone Entertainment.

Nasa ilalim pa rin ng pamamahala ng Cornerstone Entertainment si KZ except her recording arrangement dahil gusto niyang maging independent sa aspetong ito. Gusto niyang magkaroon ng freedom in choosing the materials which she will record. May basbas din dito ang kanyang mister, ang singer-songwriter-musician na si TJ Monterde.

Nasa Canada ngayon ang mga-asawang KC and TJ for their “In Between” US & Canada Tour na muling pamamahalaan ng mister ni Isabel Oli.

The couple will hold their concerts in Vancouver, Canada on March 6, sa Edmonton on March 8, March 14 sa New York City, USA, March 15 sa Ontairio, Canada and on March 20 sa Chicago, USA.

Sa ibang bansa na rin ise-celebrate ni KZ ang kanyang ika-34th birthday na kasama ang kanyang mister na si TJ.

Si KZ ay produkto ng isang reality singing competition, ang The X Factor Philippines kung saan siya tinanghal na grand champion nung October 7, 2017.

Gee kinumpirmang hiwalay na sila ni Archie

CanlasCanlas1KINUMPIRMA ng Kapuso actress-comedienne na si Gee Canlas na hiwalay na sila ng kanyang mister, ang actor-comedian na si Archie Alemania. Ang (dating) mag-asawa ay may isang anak na si Caleb na nasa poder ng aktres.

Si Gee na mismo ang umalis at nakipaghiwalay sa kanyang asawa matapos ang kanilang walong taong pagsasama.

Bago si Gee ay matagal ding nagsama sina Archie at ang actress na si Mickey Ferriols kung kanino siya nagkaroon ng anak na si Brent Marcus na isa nang tinedyer ngayon.

Boots at Atty. King may kakaibang kasunduan

BootsBoots1MAY kasunduan na ang mag-asawang Atty. King Rodrigo at veteran actress na si Boots Anson Roa-Rodrigo na sakaling isa sa kanila ang maunang sumakabilang-buhay ay ibabalik umano sila sa kanilang respective children para ilibing kasama ang kanilang respective departed husband and wife.

Gusto ni Boots na isama siya sa libingan ng una niyang mister na si Pete Roa at si Atty. King naman sa kanyang unang misis na si Olga.

“Gagawin namin ito para sa aming mga anak,” pahayag ni Boots na kamakailan lamang nag-launch ng kanyang unang libro na pinamagatang “Grateful” na itinaon sa kanyang ika-81st birthday last January 2026.

Boots was 69 years old at 75 naman si Atty. King nang sila’y magpakasal nung June 2014 kung kailan buhay pa noon ang ina ni Atty. King na si Gng. Remedios Enriquez-Rodrigo at may-bahay ng yumaong dating senador na si Soc Rodrigo.

Ang 99-year-old mother ni Atty. King ang siya pang naghatid sa kanyang anak sa altar nung kasal nila ni Boots officiated by Cardinal Antonio Tagle.

SUBSCRIBE, like, SHARE, comment ang press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.