Sandara

Sandara: I have never used drugs

Aster A Amoyo Mar 5, 2026
242 Views

Sandara1Sandara2AGAD sinagot ni Dara (na mas kilala sa Pilipinas as Sandara Park), isa sa apat na dating member ng South Korea’s popular all-girl group, ang 2NE1 ang claim ng dati niyang kasamahan sa grupo na si Bom (Park Bom) na na-frame-up lang umano siya noon na may kinalaman sa droga nung 2014 para umano pagtakpan ang paggamit sa ipinagbabawal na gamot ni Dara.

“I have never used drugs. I wish her well,” mariing sagot niya sa handwritten post ni Bom sa kanyang IG account which was already taken down pero marami na ang naka-capture nito.

Dahil sa naging alegasyon ni Bom, Dara (Sandara) was immediately dropped ng kanyang agency na hindi man lamang nag-imbestiga kung ito’y totoo o hindi. Ganun kasi sa South Korea na kapag na-involve ang stars and talents sa anumang controversy ay agad itong binibitawan ng kanilang respective agencies at inuulan ng katakut-takot ng bashing ang mga celebrities hanggang sa mawalan ng career ang mga ito. Worse, ang iba naman ay nagre-resort sa suicide.

Bom was previously accused sa pag-import ng Adderall sa South Korea nung 2010 pero sinuspende ng korte ang kanyang kaso nang ito’y malamang gamot and legally prescribed for treatment.

Inamin din ni Bom na ang gamot ay may kinalaman sa kanyang Attention Deficit Disorder (ADD)treatment pero pinalabas umano itong droga kaya na-drag sa drug scandal si Bom (Park Bom) na idinawit din ang isa pang member na si CL (Lee Cha-rin).

Ang isa pang member na si Minzy na nagso-solo na ngayon ay siyang unang umalis sa grupo na naging sanhi ng pagkaka-disband ng 2NE1 in November 2016.

Nagpahayag noon ang dating management ng 2NE1, ang YG Entertainment na magpapatuloy umano ang grupo kahit wala na si Minzy at tatlo na lamang ang magiging miyembro ng K-Pop group na 2NE1. Pero ganun na lamang ang pagkabigla ng tatlong natitirang members na sina Dara, CL at Bom nang malaman nila sa pahayagan na disbanded na umano ang kanilang grupo. Hindi man lamang sila kinausap muna ng YG Entertainment bago ang announcement ng disbandment.

Ang 2NE1 ay nabuo nung May 17, 2009. Ilan sa mga awiting pinasikat ng grupo include “Fire,” “I Am the Best,” “Come Back Home,” “Lonely” among others.

Sa apat na dating members ay si Minzy ang eldest at 42, kasunod si Bom who’s turning 42 na ngayong March 24, 2026 kasunod si Dara at 41 (turning 42 on November 12, 2026 habang si CL ang pinakabata at 35.

As a solo artist ay malayo ang tatakbuhin ng career ni Dara sa South Korea at puwede rin niyang buhayin ang kanyang karera sa Pilipinas kung saan siya actually nagsimula at unang nakilala bilang si Sandara Park.

Dara admits na ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang kanyang paboritong singer. She also collects sneakers at meron na siyang mahigit 1,000 pairs sa kanyang collection. She also loves to travel at isa ang Pilipinas sa madalas niyang puntahan.

Bakit hindi natuloy ang pagtatambal nina Bea at Alden?

PALABAS ngayon sa mga sinehan nationwide ang Philippine adaptation ng 2024 Korean hit movie which was renamed “A Special Memory” na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Carlo Aquino na pinamahalaan ni Jerry Sineneng mula sa script ng National Artist na si Ricky Lee and produced ng Viva Films.

Kung matatandaan pa, napabalita noon ang unang tambalan sa pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards na ididirek sana si Nuel Naval at co-produced ng GMA Pictures at Viva Films. Pero dahil sa conflict of schedule ng dalawa ay nagkaroon ng mga pagbabago. Si Julia Barretto na sana ang gaganap sa papel ni Bea Alonzo pero hindi rin ito natuloy. Umatras din ang GMA Pictures to co-produce the movie with Viva at napalitaan din ang lead cast nito at sina Bela Padilla at Carlo Aquino na ang final cast habang si Jerry Sineneng naman ang naging director.

Marami man ang pinagdaanan ang proyekto, natuloy pa rin ito at maganda ang pagkakaganap nina Bela at Carlo sa kanilang respective characters gayundin ang pagkakalatag ng kuwento ni Ricky Lee at pagkakadirek ni Jerry Lopez.

Not meant for Bea at Alden.

Apat na special memories para kay Carlo

Carlo2CarloCarlo1SPEAKING of Carlo Aquino, inamin nito sa aming panayam sa kanya for our vlog, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel na he was in character (Dindo) nang gawin nila ni Bela Padilla ang “A Special Memory”.

After his challenging role bilang si Mat-Mat sa nagtapos na hit TV series na “It’s Okey Not To be Okay” na pinagsamahan nila nina Anne Curtis at Joshua Garcia (another adaptation of a K-drama), kakaibang role din ang ipinamalas ni Carlo sa “A Special Memory”.

“I make sure na pinaghahandaan ko ang bawat role na gagampanan ko be it sa TV o pelikula,” ani Carlo. “And I always give it my best,” aniya.

Ang pelikulang “A Special Memory” ay reunion movie nila ni Bela after almost eight years magmula nang gawin nila ang pelikulang “Meet Me in St. Gallen” nung 2017 sa Switzerland kung saan nakilala ni Bela ang kanyang huling (ex) boyfriend na si Norman Ben Bay.

Ano ang maituturing na special memories ni Carlo?

“Una nang lumipat kami ng family ko sa first house namin na hindi pa naka-palitada from a rented apartment,” ani Carlo.

“Pangalawa nang gawin ko ang “Bata, Bata….Pa’no Ka Ginawa” with Mommy Vi (Vilma Santos) and Direk Chito Rono under Star Cinema, pangatlo nang isilang ang anak kong si Mithi at pang-apat nang ikasal kami ng wife kong si Charlie (Dizon),” pahayag ng actor.

During his teens bilang actor, una niyang naging girlfriend ang nakababatang kapatid ni John Prats na si Camille Prats at sumunod si Angelica Panganiban. Naging girlfriend di niya noon si Maja Salvador.

Before Trina Candaza na ina ng kanyang five-year old daughter na si Mithi Enola, may isa pang non-showbiz na matagal na naging girlfriend ang actor. Pagkatapos naman ni Trina ay saka dumating sa kanyang buhay ang aktres na si Charlie Dizon who is April Rose Dizon Matienzo sa tunay na buhay.

SUBSCRIBE, like, SHARE, comment and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.