MTRCB

MTRCB nag-isyu ng paglilinaw tungkol sa Pelikulang “Lost Sabungeros”

257 Views

NILINAW ng MTRCB na ang pelikulang “Lost Sabungeros” ay hindi tinanggihan o pinagkaitan ng pagsusuri. Sa halip, hiniling sa mga producer na magsumite ng mga dokumentaryong kinakailangan upang maayos na masuri ng Board ang pelikula.

Isa sa mga kinakailangang ito ay isang sertipikasyon na nagpapatunay na ang paksa ng materyal ay hindi kabilang sa anumang kasong nakabinbin sa mga hukuman.

Ayon sa Board, kinakailangan ito upang makasunod sa sub judice rule, na nagbabawal sa pampublikong talakayan o presentasyon ng mga usaping kasalukuyang dinidinig o pinagpapasyahan pa ng korte.

Ang nasabing requirement ay naaayon sa mandato ng Board sa ilalim ng Presidential Decree No. 1986, na nagbibigay kapangyarihan sa MTRCB na suriin ang mga pelikula at tiyakin na ang mga materyal na ipapalabas sa publiko ay sumusunod sa umiiral na mga batas.

Sa ilalim ng Section 3(c) ng nasabing kautusan, malinaw na nakasaad na ang MTRCB ay may mandatong:

“aprubahan o hindi aprubahan…

ang mga maaaring magresulta sa contempt of court o sa alinmang quasi-judicial tribunal, o may kaugnayan sa mga usaping sub judice.”

Ayon sa MTRCB, hindi nakapagsumite ang production ng kinakailangang sertipikasyon. Sa katunayan, sa isang liham na may petsang Pebrero 12, 2026 na ipinadala sa MTRCB, kinilala mismo ng direktor ng Lost Sabungeros na si Kristoffer J. Brazil ang requirement ng Board para sa nasabing sertipikasyon.

Hangga’t hindi naibibigay ang kinakailangang dokumento, sinabi ng Board na hindi nila maipagpapatuloy ang proseso ng pagsusuri. Dahil dito, mali ang pahayag na dalawang beses umanong tinanggihan ng MTRCB ang pagsusuri sa pelikula.