Kaila ayaw makarelasyon si Daniel
Feb 23, 2025
Calendar

Business
Presyo ng LPG tataas ng mahigit P11/kilo
Edd Reyes
Feb 1, 2023
479
Views
MAGPAPATUPAD ang Petron Corp. ng pagtaas sa presyo ng ibinebenta nitong liquefied petroleum gas (LPG).
Ayon sa Petron magpapatupad ito ng P11.20 kada kilong pagtaas simula Pebrero 1.
Nagkakahalaga ito ng P123.20 kada 11-kilong regular na tangke.
Ang AutoLPG ng Petron ay magtataas naman ng P6.25 kada litro.
Ang taas presyo ay batay umano sa international contract price ng LPG para sa buwan ng Pebrero.