Martin

Presyo ng mga bilihin di tataas

Mar Rodriguez Apr 24, 2024
99 Views

TINIYAK ng samahan ng mga supermarket at agricultural producers na walang nakaambang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin.

Ito ang kinumpirma ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo matapos makipagpulong sa grupo ng broiler raisers, manufacturers at retailers sa Quezon City ngayong araw.

Naroon din sa pulong si House Speaker Martin Romualdez na ikinalugod ang presensya ng stakeholders at ang pagkakasundo na magtutulungan upang humanap ng solusyon sa suliranin.

Sinabi ni Tulfo na sunud-sunod ang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo at inaasahang maaapektuhan na ang basic commodities.

Ngunit nangako umano ng kooperasyon ang mga samahan at gagawa ng paraan upang mapanatili ang presyo ng mga bilihin.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, United Broiler Raiser Association at Philippine Egg Board.