Ruth

Presyo ng noche buena items tumaas na

245 Views

TATLONG buwan bago ang Pasko ay tumaas na ang presyo ng mga noche buena items, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo nagpasabi ang 20 manufacturer sa DTI na magtataas ng presyo ang mga ito.

Ipinaalala naman ni Castelo sa mga manufacturer na hindi maaaring lumagpas ng 10 porsyento ang maaaring itaas ng mga ito.

Samantala, nagpaalala si Castelo sa publiko na huwag bumili ng Christmas lights na hindi nasuri ng DTI.

Ang mga substandard umano na Christmas lights ay delikado at maaaring pagsimulan ng sunog.

Ang dapat umanong bilhin ay ang mga Christmas lights na mayroong Philippine Standard (PS) Quality o Safety Mark at Import Commodity Clearance (ICC) Sticker.