BBM1

Pribadong bangko hinimok ni PBBM sumali sa pagtugon sa P6.5M housing backlog

250 Views

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos sa mga pribadong bangko at government financial institutions na bumalangkas ng sistema upang magawa ng administrasyon na matugunan ang 6.5 milyong housing backlog sa bansa hanggang sa 2028.

Ginawa ng Pangulo ang apela sa isang pagpupulong na dinaluhan nina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Acuzar, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla, at mga kinatawan ng Bureau of Treasury, Pag-IBIG, Government Service Insurance System (GSIS), Philippine National Bank (PNB) at Land Bank of the Philippines.

“I think we can, there should be sufficient incentives… an arrangement for the private banks to come in,” sabi ni Marcos.

Sinabi ni Acuzar na nais ng kanyang ahensya na makapagtayo ng 1 milyong bahay kada taon.

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga minimum-wage earner at middle class, sinabi ni Acuzar na magtatayo ng mga in-city, mix-use residential hub.

Kakailanganin umano ng P36 bilyon kada taon para rito kaya mahalaga ang partisipasyon ng pribadong financial institutions.

Upang mahikayat ang pribadong sektor, sinabi ng Pangulo na dapat bumuo ng maayos na sistema at bigyan ng insentibo ang mga lalahok.