NHA

Problema ng 454 housing beneficiaries sa Bulacan nilutas ng NHA

Jun I Legaspi Oct 21, 2024
126 Views

BUMISITA ang National Housing Authority (NHA) sa 454 benepisyaryo ng pabahay sa Bustos, Bulacan para sa ikalawang Housing Caravan noong Sabado.

Pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin Feliciano ang pakikipag-usap sa mga benepisyaryo upang ipaliwanag na handa ang NHA na umagapay para maresolba ang kanilang problema sa bayarin sa pabahay.

Karamihan sa mga isyung inilapit ng mga residente mula Bustos Heights at Bulacan Angat Heights ang tungkol sa amortization payments, delinquency interests at notices na nabigyan ng kasagutan ng technical unit, community support services, finance services at estate management ng NHA Region III.

Ang nasabing caravan programa ng NHA at Committee on Housing and Urban Development Chairperson Congresswoman Rida Robes ng San Jose del Monte Bulacan.

Layunin ng programa na alamin ang mga suliraning kinakaharap ng mga benepisyaryo sa resettlement sites sa lugar.

“Ang NHA handang tugunan ang mga pangangailangan ninyo. Handa kami na mag meet halfway sa inyo para maresolba ang mga problema ukol sa bill, delinquency interests, demand notices at iba pa,” sabi ni Feliciano.

Nakatakdang magsagawa ng isa pang housing caravan na gaganapin sa Nobyembre sa Bulacan para matugunan ang pangangailangan ng mga benepisyaryo ng pabahay sa probinsya.