Calendar

Produksyon ng PH ng gatas inaasahang tataas sa NDA, Fench firm collab
MAGSASANIB-pwersa ang National Dairy Authority (NDA) at ang consultancy firm na Phylum SARL para sa isang feasibility study para sa Philippine Dairy Project.
Ayon sa Department of Agriculture, aalamin sa pag-aaral kung papasa ang proyekto para sa concessional loan mula sa French government.
Layunin ng Philippine Dairy Project na makapagtatag ng modernong dairy farm sa Ubay, Bohol na may kapasidad na mag-alaga ng mahigit 300 baka para sa produksyon ng gatas.
Kasama din sa dairy farm ang kakayahang magproseso ng hanggang 10 metriko tonelada ng sariwang gatas kada araw.
Nakapaloob din sa dairy project ang kolaborasyon sa mga lokal na kooperatiba para sa gatas at fodder production, kasama na ang capacity-building efforts upang mapahusay ang training at advisory services.
Kasama rin sa plano ang pagtatatag ng milk collection centers at milk processing facilities sa mga piling lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Si DA Sec. Franscisco Tiu Laurel ang kumatawan sa NDA sa pirmahan ng Memorandum of Understanding sa Phylum na ikinatawan naman ng kanilang Managing Partner na si Francois Gary.
Layunin ng MOU na patatagin ang relasyon ng Pilipinas at France sa dairy sector at maging moderno ang dairy industry ng bansa.
Popondohan ang feasibility study sa pamamagitan ng kaloob ng Fonds d’ Etudes et d’ Aide au Secteur Prive (FASEP) ng French government.
Sa kasalukuyan, ang kasapatan ng gatas sa bansa halos 1.66 % at target ng DA na makamit ang 5% o 80 million liter ng gatas pagsapit ng 2028.
Ang average milk production ng bansa sa bawat baka nananatiling mababa sa 8 liters kada araw bunsod ng hindi magandang pakain at pangangasiwa sa mga ito.