RPFMC

Programa sa itness kasanayan sa armas program ng RPFMC tagumpay

102 Views

TAGUMPAY ang pagdaos ng Rizal Provincial Mobile Force Company (RPMFC) ng Special Weapon and Tactics (SWAT) Physical Fitness and Firearms Proficiency Refresher Program noong Sabado sa RPMFC annex building sa Camp MGEN Licerio Geronimo sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Vicente Gil Palma ang event na nagsimula alas-7:30 ng umaga.

Ayon kay Police Colonel Felipe Maraggun, Rizal police provincial director, ang physical fitness at kasanayan sa armas hindi lamang kinakailangan kungdi batayan din ng pagiging epektibo ng mga pulis sa pagganap sa tungkulin.

Bilang elite unit ng PNP, kinakailangan ang pinakamataas na antas ng disiplina at sapat na kasanayan ng kapulisan sa paghawak ng baril, dagdag ng opisyal.