Inton Pinasasalamatan ni Mayor Jopet Inton (gitna) ang mga taga The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa pag-donate ng kagamitang pangkalusogan.CHRISTIAN D SUPNAD

Programang pangkalusugan para sa Bataenos pinalakas

Christian Supnad Mar 12, 2025
15 Views

HERMOSA, Bataan — May bagong kagamitang pangkalusugan ang bayang ito na lalong magpapalakas sa health programs sa mga Hermoseños.

Ang mga medical equipment para sa Super Health Center (Super RHU) sa Bgy. Mandama ay tinurnover nitong Martes.

Ang kagamitang pangkalusugan ay donasyon mula sa mga The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints na tinawag ni Mayor Inton na mga kapatid.

“Ang mga kagamitang pangkalusugan na ito ay magagamit ng ating health workers sa Super RHU upang higit pang mapabuti at mapalawak ang serbisyong medikal na naihahatid sa ating mga kababayang Hermoseño, nang sa gayon ay masiguro ang mas maayos, episyente, at de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat,” ani Mayor Inton.

Ang nasabing seremonya ay pinangasiwaan ng mga opisyal at kawani sa Hermosa MHO, kabilang sina Doc. Geofrey Jorge, Doc. Edward De Guzman, nurse Marianne Mañago, nurse May Anne Lescano, nurse Kristel Balderama, at medTech Anne Patambang.

Naroon din ang Hermosa Committee on Health Chairperson na si Konsehala Luz Samaniego kasama sina Konsehal Roger Manarang, Konsehal Leonard “Dakila” Cruz, at Konsehala Jinkee Alonzo,bilang pagsuporta sa magandang gawain na ito.

“Maraming salamat sa ibinahagi ninyong mga kagamitan sa Bayan ng Hermosa, mga kapatid sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints,” dagdag pa ng pilotong mayor.