Project head ng Fact Check PH may-ari ng anti-BBM, pro-Leni troll farm

Nelo Javier Mar 12, 2022
331 Views

KALAT ngayon sa social media ang pangalan ng isang Hyacinth Tiffany Jungco, na sinasabing project head ng Fact Check Philippines, ang siya rin umanong nasa likod ng mga troll farm na nagpapakalat ng anti-BBM at pro-Leni sentiments.

Sumikat ang pangalan ni Jungco matapos kumalat ang ilang screenshot ng kanyang mga private message na tila nag-uutos sa kanyang troll farm kung ano ang mga ilalabas na mga anti-BBM memes.

Makikita sa mga naturang screenshot ang mga tila fake news na banat kay BBM na siya mismo ang nag-uutos na ipakalat ito.

Ayon sa nakalap na profile ni Jungco, siya ang project head ng Fact Check Philippines na siyang lumalaban sa “misinformation” taliwas sa patagong ginagawa nito na nagpapakalat ng fake news sa pamamagitan ng troll farm.

Kilala rin umanong malapit na supporter ni Leni Robredo si Jungco dahil sa ilang fund raising campaigns ng kampo ni Robredo noong bagyong Maring nitong 2021, lumutang din ang pangalan nito sa mga bank account na ipinaskil nila sa kanilang social media page para sa mga dedepositohan ng mga donasyon. Mismong bank acccount ni Jungco sa isang Bangko ang ginamit para padalhan ng mga donasyon ng supporter ni Robredo.

Hindi tuloy maiwasan magtanong ng Ilang mga netizen kung yung pondo ba na para sa mga nasalanta ng bagyo ay nakarating sa mga biktima o nagamit sa pagpapakalat ng fake news at pagbanat kay BBM sa pamamagitan ng troll farm.

“Malamang yung mga pera na donasyon, yun ang ginamit para sa pagbanat kay Bongbong Marcos ng kanilang mga troll,” ayon sa isang netizen.

“Sa halip na itulong ang pera, sa pagpapakalat ng fake news napunta,” ayon naman sa isa pang netizen.