Martin

Proposed 2023 national budget pormal na tinanggap ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Aug 22, 2022
155 Views

Martin2

PORMAL ng tinanggap ng liderato ng Kamara de Representantes mula sa Department of Budget and Management (DBM) ang ipina-panukalang “2023 National Budget” na nagkaka-halaga ng P5.268 trilyong piso.

Si House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez ang tumanggap ng 2023 budget proposal mula sa DBM kasama si House Majority Leader at Zamboanga City Lone Dist. Cong. Manuel Jose “Mannix” Dalipe Haouse Minority Leader Party List Cong. Marcelino Libanan, Chairman ng House Committee on Appropriations at AKO Bicol Party List Cong. Zamdy Co at iba pang kongresista.

Isinagawa ang “turn-over ceremony” sa Social Hall ng “Speakers Office” na sinaksihan ng mga mambabatas.

Alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas, kailangang isumite ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa loob ng tatlongpung araw (30 days) mula sa pagbubukas ng “regular session” ng Kongresoang panukalang General Appropriations Act (GAA).

Nauna rito, tiniyak ng liderato ng Kamara na sisikapin nilang matapos ang “2023 proposed budget” bago sumapit ang Oktobre 1 sapagkat sa darating na Nobyembre 6 ay sisimulan naman ng Mababang Kapulungan ang kanilang unang “recess”.

“The proposed budget for next year is P244 billion or almost five percent more than this year’s P5.024 trillion outlay. It will be the highest ever spending proposal of the government,” ayon kay Speaker Romualdez.