Duterte

PRRD dadalo sa oath-taking ni VP-elect Sara

245 Views

DADALO si Pangulong Rodrigo Duterte sa oath taking ng kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte na gagawin sa Davao City sa Linggo.

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ni VP-elect Duterte na si Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco.

Ang inagurasyon ni VP-elect Duterte ay gagawin sa San Pedro Square at sisimulan sa pamamagitan ng isang misa na pangungunahan ni Archbishop Romulo Valles alas-3 ng hapon.

Susundan ito ng panunumpa ng papasok na bise presidente kay Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando.

Si Sara Duterte ang magiging ika-15 bise presidente ng Pilipinas.

Si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay manunumpa naman sa Hunyo 30.