Duterte

PRRD: Leni, NPA manggugulo sa eleksiyon

262 Views

KINUMPIRMA ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-alyansa umano ni Leni Robredo sa mga rebeldeng komunista kasabay ng pagbubunyag na may nilulutong plano ang mga teroristang CPP-NPA upang guluhin ang darating na May 9 national elections.

“But what I really am afraid of is really the report of the intelligence community. Kung may panahon ka, ipa-brief kita (Quiboloy) ng ano, with intelligence people,” ani Duterte sa ‘breaking news’ ng SMNI Sabado ng gabi matapos makapanayam si PRRD ni Pastor Apollo Quiboloy.

“There’s a…. parang grouping of communist, itong mga dilawan pati itong mga, may isa pa… mga well, of course itong mga komunista is already a terrorist organization. So, mga dilawan at saka, I forgot the other one. Dyan ang ano ng gobyerno, they’re watching for that kind of situation. There might be, yang sinabi ko na pwedeng panggulo kasi they have this working relationship with the dilawan,” sabi pa ni Duterte.

Bago nito, sinabi ni Reporma presidential candidate Ping Lacson na base sa kanyang impormasyon, tuloy ang pakikipagsabwatan ng mga rebeldeng komunista sa grupo ni Robredo.

Si Lacson na dating hepe ng Philippine National Police (PNP) bago naging senador ay nagsabing seryoso ang nakuha niyang impormasyon mula sa kanyang mga sources, bagay na pinatunayan din ng rebel returnee na si Ka Eric.

“First, I have my own intelligence sources, ano. Sa hinaba-haba naman ng aking law enforcement experience, hanggang ngayon naman meron pa rin akong existing na mga network, na kung saan na-va-validate ‘yung mga information. Second, lumabas ‘yung si Ka Eric, ano, si Jeffrey Celiz. Of course, dini-discredit nila kasi surrenderer ito, hawak ito ng security forces—ng NICA at saka ng NSA—siyempre, galit na galit ‘yung mga CPP-NPA,” sabi pa ni Ping.
Nauna nang ibinunyag ni Cavite Rep. Boying Remulla na ang nakalipas na campaign rally ni Robredo sa bayan ng General Trias ay may namataang mga pinuno ng rebeldeng NPA.
Bukod dito, naging hayagan din ang ginawang bayaran sa mga hakot na supporters na tig-P500 bawat isa.

Samantala, marami naman ang nagtataka ngayon dahil Disyembre 2017 nang panigan mismo ni Robredo si Pangulong Duterte sa pagtaguri sa mga CPP-NPA bilang mga teroristang grupo.

“Pero ngayon, hindi nila ikinakahiya na may sabwatan sila sa makakaliwang grupo. Malalim ang pakikipag-alyansa nito at sana hindi sila manggulo sa darating na eleksiyon,” sabi ng isang intelligence officer na tumangging magpabanggit ng pangalan.`