Calendar
Publiko inimbita ni PBBM na bumisita sa Malacañang heritage structures
INIMBITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na bumisita sa Malacañang heritage structure para makita ang bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Pinangunahan nina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at kanilang anak na si Simon ang pagbubukas ng historical structure sa loob ng Malacañang complex sa Manila.
Kasama sa binuksan ang Bahay Ugnayan Museum, Goldenberg Mansion, at ang Teus Mansion. Ito ang unang pagkakataon na binuksan ang naturang mga imprastraktura sa publiko.
“It is now open to the public. I invite everyone to come in there. Puntahan ninyo, lalo na ‘yung ating mga estudyante na nais makita ang lahat ng mga pangulo ng ating Republika ay nandiyan lahat. Nandiyan ‘yung kaunting kuwento ng kanilang buhay at ngayon ay officially open na and that is why I am inviting everyone to come,” ani Pangulong Marcos.
“If you are in this part of the city, come and visit. It’s very educational definitely. It’s free by the way. We don’t charge an entrance fee, so come one and come all and I think that you will find it very, very interesting,” sabi pa ng Pangulo.
Kuwento ng Pangulo ang napakagandang Goldenberg Mansion ay binili ng kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos. Ginawa itong guest house para sa mga pormal na event.
Ang Teus Mansion ay ginawa namang Presidential Museum.
“It is a museum of all the presidents of the Philippines, with a short description of the circumstances that brought them to power and some of the achievements that they had during their time as president,” paliwanag ni Marcos.
Ang Malacañang Heritage Tours ay libre at magbubukas mula Hunyo 1 mula alas-9 ng umaga hanggang 4 ng hapon.