pulis Source: File PNP photo

Pulis sa ibang lugar maaari nang bumalik sa normal na duty

Zaida Delos Reyes May 14, 2025
13 Views

MAAARI nang bumalik sa normal na duty ang mga pulis sa ilang lugar sa bansa makaraang ibaba sa heightened alert ng Philippine National Police o PNP ang kanilang alerto sa pagtatapos ng 2025 elections.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Randulf Tuaño, naging mapayapa ang pagdaraos ng Hatol ng Bayan 2025.

Aniya, maari nang bumalik sa normal na duty ang mga pulis na nakatapos na ng election duty.

Gayunman, nilinaw ni Tuaño na mananatili pa rin ang ibang pulis sa ilang lugar na hindi pa tapos ang bilangan ng boto sa eleksyon.

Sinabi rin ni Tuaño na nasa pagpapasya na ng kanilang regional director ang magiging alert status ng kanilang mga nasasakupan.

Aniya, tanging ang National Capital Region Police Office ang nananatili sa Full Alert Status dahil sa may ilang lugar ang hindi pa natatapos ang proklamasyon.

Paliwanag ng opisyal, sa ngayon ay nagpapatuloy ang post-assessment ng PNP sa halalan upang paghandaan ang darating na eleksyon sa BARMM sa Oktubre.

Inihayag din ni Tuaño na malaki ang ibinaba ng election-related incidents (ERI) sa katatapos na halalan kung saan 49 sa mga ito ay validated ERI o katumbas ng 53% na mas mababa sa 105 na naitala noong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.