Bigti

Pulisya iniimbestigahan pagkamatay ng binata na nakitang nakabigti, nakatali

451 Views

Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang 20-anyos na binata na natagpuang nakabigti at nakatali ng plastic straw ang paa at kamay sa binabantayang sari-sari store sa Quezon City nitong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya bandang 7:00 ng umaga (September 9), nang matagpuan ang biktima sa loob ng sari-sari sa Brgy. Fairview, Quezon City.

Huling nakitang buhay ng kanyang kapatid ang biktima alas- 10:00 ng gabi nitong Lunes.

Napansin umano ng may-ari ng tindahan at bayaw din ng biktima, na sarado pa rin ang tindahan dahil nagbubukas ito palagi sa pagitan ng alas 4 o 5 ng umaga.

Pumasok ang bayaw sa backdoor ng tindahan at doon ay nadiskubre niyang nakabigto sa kisame ang biktima.

Agad na tinawagan ng nakadiskubre ang kanilang mga kaanak, na tumulong sa pagputol ng tali para maibaba ang biktima.

Nang maibaba sa pagkakaibigti ang biktima ay nadiskubreng nakatali ng plastic straw ang kamay at paa nito.

Sa pagsusuri sa CCTV footage, nakita ang biktima na nagbaba ng mga sako ng bigas mula sa tricycle ng may-ari ng tindahan at kalaunan ay kumuha ng lubid mula sa parehong tricycle.

Gayunman, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.