PSA

Purchasing power ng P1 noong 2018 nagkakahalaga na lang ng P0.87 ngayon

130 Views

Bumaba umano ang purchasing power ng piso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang piso umano noong 2018 ay mayroon na lamang purchasing power na 87 sentimos ngayong 2022.

Ang purchasing power ay lumiliit dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Noong Hunyo ay naitala ang 6.1 porsyentong inflation rate, ang pinakamataas sa nakalipas na tatlong taon.

Ito ay kasing taas ng inflation rate noong Nobyembre 2018 at bahagyang mas mababa sa 6.9 porsyentong naitala noong Oktobre 2018.