Martin

Puwersa ng Lakas-CMD sa kongreso lalong tumatag at tumibay sa papasok ng 2 bagong miyembro mula sa HNP

Mar Rodriguez Jul 13, 2022
165 Views

LALONG tumatag at tumibay ang puwersa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa Kamara de Representates matapos madagdagan ang 57 miyembro ng partido dahil sa pagpasok ng dalawang kongresista bilang mga bagong mga kasapi.

Dumagdag bilang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD sina Regional Party Hugpong ng Pagbabago (HNP) President at Davao Occidental Rep. Claude Bautista at Pangasinan Rep. Rachel Arenas.

Pinangasiwaan naman ni incoming House Speaker at Leyte 1 st Dist. Rep. Martin G. Romualdez, naging House Majority Leader noong 18 th Congress, ang panunumpa nina Bautista at Arenas sa pamamagitan ng isang payak o simpleng seremonya sa Makati City.

Sinaksihan naman ni Vice-President at Department of Education (DepEd) Sec. Inday Sara Duterte ang ginanap na “oath taking” bilang chairperson
din ng Lakas-CMD at HNP.

Katulad ni Romualdez, Lakas-CMD President, nagsilbi rin si Bautista bilang campaign manager ni Duterte noong nakalipas na Presidential at
Vice-Presidential elections.

“It is indeed a great honor and pleasure to welcome Congressman Claude and Congresswoman Arenas. Thank You for joining Lakas-CMD,” sabi ni Romualdez sa ginanap ng “oath taking ceremony”.

Binigyang diin ni Romualdez na ang pagpasok nina Bautista at Arenas sa Lakas-CMD ang lalong magpapatibay sa suporta ng Kamara de Representantes sa ilalim ng 19 th Congress sa mga “legislative agenda” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.