Calendar
Nation
Puwesto ng UP bumaba sa Asian Rankings
Peoples Taliba Editor
Jun 4, 2022
332
Views
BUMABA ang ranking ng University of the Philippines (UP) sa Times Higher Education (THE) Asian Rankings 2022.
Mula sa ika-84, ang UP ay rank 129 ngayong taon.
Ang De La Salle University naman ay nanatili sa 401-500 bracket.
Dalawang eskuwelahan lamang sa bansa ang nakapasok sa THE na sumuri sa 616 higher education institution sa 31 bansa sa Asia.
Ang Ateneo de Manila University ay nasa ‘reporter’ list ng THE na nangangahulugan na sumali ito subalit hindi nito nakompleto ang eligibility criteria.
Noong 2020, ang UP ay nasa ika-65 puwesto mula sa ika-95 noong 2018. Ito ang unang pagkakataon na pumasok ang UP sa top 100.
Pagcor nag-ambag ng P12.67B sa kaban ng bayan
May 14, 2025
Insidente ngayong halalan bumaba ng 56% — PNP
May 14, 2025