Calendar
QC pinalakas edukasyon, media info literacy
PINALAKAS ng Quezon City ang pangako sa edukasyon, media and information literacy (MIL), lifelong learning at kultura sa pamamagitan ng Executive Order No. 22, Series of 2026 na nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte.
Sa ilalim ng EO No. 22, binuo ang Quezon City Learning, Information, and Culture Committee para mangunguna sa koordinasyon ng mga programa ng lungsod bilang UNESCO Creative City of Film, UNESCO Media and Information Literacy Pilot City, at kasapi ng UNESCO Global Network of Learning Cities.
Layunin ng komite ang pagpapalakas ng critical thinking, pagtuturo ng digital citizenship, pagtaguyod ng lifelong learning at pagpapalawak ng cultural participation.
Ayon kay Mayor Belmonte, ang mga pagkilala mula sa UNESCO ay kaakibat ng responsibilidad na isalin ang global commitments sa makabuluhang lokal na aksyon.
“Ang mga pagkilalang ito ay higit pa sa international distinctions. Ito ay tanda ng ating pangako na bigyang kapangyarihan ang bawat QCitizen sa pamamagitan ng edukasyon, kultura, at access sa tamang impormasyon,” ani Belmonte.
Kasama sa mga mga responsibilidad ng komite ay pagbuo ng action plans para sa UNESCO commitments, pagpapalakas ng partnerships sa iba’t ibang sektor, Pagsubaybay sa implementasyon ng mga programa, pagrekomenda ng supportive policies at pagpapalawak ng public awareness campaigns.
