Calendar
QR codes gamit ng mga scammers
NAGBABALA ang Cyber Security Operations Group ng PLDT Inc. at Smart kaugnay sa publiko kaugnay ng mga scammer na gumagamit ng QR code para makapanloko.
Ayon sa telecommunications company, nakatanggap ito ng mga reklamo mula sa mga kustomer kaugnay mga kahina-hinalang QR code na ipinadala sa kanila sa pamamagitan ng email at mga messaging platform.
Ang scam na ito ay tinatawag umanong “quishing.”
Kapag ini-scan ang QR code mapupunta ang biktima sa isang pekeng bersyon ng isang lehitimong website. Ang mga impormasyon na ipapasok doon ng biktima at makokopya ng mga scammer na gagamitin upang makuha ang kanyang account kasama na ang digital wallet nito.
Dumami umano ang gumagamit ng QR code ngayong may pandemya dahil napabibilis nito ang mga transaksyon lalo na sa pagbabayad.
Dapat umanong maging mapagmatyag at tignan ang website bago magpasok ng anumang impormasyon.
Pinag-iingat din ng PLDT ang publiko sa smishing o paggamit ng SMS sa panloloko at vishing o paggamit ng voice call sa scam.
“Remember what our parents taught us about not talking to strangers? This remains true to this day, whether you’re interacting in person or on your gadgets,” sabi ni PLDT at Smart FVP at Chief Information and Security Officer Angel Redoble.
Nakapag-bloc na umano ang PLDT ng 203 scam-linked URLs mula Hunyo 10 hanggang 26.