Calendar

Quezon City ginulat ang Bataan
GINULAT ng Quezon City Galeries Taipan ang Bataan, 95-88, upang mapanatili ang kanilang playoff chances sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.
Nagpasiklab sina Ry Dela Rosa at Dante Bernabe para pangunahan ang Taipans sa kanilang ika-apat na panalo laban sa 11 talo sa round-robin elimination phase ng 30-team tournament.
Dela Rosa, anak ni PBA legend Romy Dela Rosa and nakababatang kapatid ni Magnolia player Rome Dela Rosa, ay nagpakawala ng 20 points, kasama ang five triples, at tatlong rebounds upang masungkit ang “Best Player of the Game” honor.
Naungusan niya para sa award sina Bernabe, na may 15 points, 15 rebounds at two assists, at Franz Diaz, na may 13 points, five rebounds, eight assists at two steals.
Nag-ambag din sina Niño Ibanez, na ma 13 points, four rebounds at four assists, at Jayson Puray, na may 11 points at 10 rebounds para sa Taipans.
Ang Bataan, na bumagsak sa 6-11 record, ay pinangunahan nina Dom Vera ( 20 points), Yvez Sazon (19 points, 8 rebounds). Hubert Cani (12 points, 8 assists), Carl Bringas (11 points, 7 rebounds, 3 assists) at Robbi Darang (10 points, 3 assists, 2 steals, 2 rebounds).
Dadayo ang MPBL sa Gov. Andres B. Bernos Memorial Gymnasium sa Sabado na kung saan magtutuos ang Imus at Parañaque simula 4 p.m., San Juan at Muntinlupa sa 6 p.m., at host Abra at Pangasinan sa 8 p.m.