Sen Revilla

Quezon nagmistulang karagatan ng tao sa dami ng sumalubong kay Revilla

Mar Rodriguez Mar 8, 2025
19 Views

Sen RevillaKASABAY ng init ng panahon, naging mainit din ang pagsalubong ng laksa-laksang residente ng Quezon kay Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) reelectionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. matapos magmistulang karagatan sa dami ng taong lumabas ng kani-kanilang tahanan para salubungin ang motorcade ng Senador.

Naglibot ang motorcade ni Revilla sa iba’t-ibang bayan ng Quezon kabilang na dito ang Mauban, Sampaloc at Lucena City bilang bahagi ng pangangampanya nito para suyuin ang suporta at boto ng libo-libong mamamayan ng nasabing lalawigan.

Nabatid mula sa kampo ni Revilla na tuwang-tuwa ang mga residente na nagsilabasan ng kani-kanilang tahanan para masilayan ang re-electionist senator habang bitbit nito sa kaniyang pangangampanya ang mga programang isusulong nito.

Nagpasalamat naman si Revilla sa napakaraming residente ng lalawigan na lumabas ng kani-kanilang tahanan para siya ay masilayan na itinuturing naman nitong isang solidong suporta para sa kaniya.

Naging mainit din ang pagsalubong ng mga Bicolano kay Revilla makaraang magsagawa ito ng motorcade sa bayan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Ligao City, Polangui at Albay.

Sabi ni Revilla na sa pagtungo nito sa lalawigan ng Bicol at Quezon, dala-dala nito aniya ang kaniyang mga adbokasiya na matagal na nitong isinusulong kabilang na dito ang social welfare programs, livelihood at ang pro-poor initiatives para matulungan ang mga mahihirap.

To God be the 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆