Pastor Apollo Quiboloy Si Pasto Apollo C. Quiboloy nang dumating sa Pasig City RTC. Source: Screen grab mula FB video

Quiboloy, 4 na kasamang akusado ng enter ng not guilty plea sa human trafficking

Alfred Dalizon Sep 13, 2024
171 Views

NAG-PLEAD ng not guilty si Pastor Apollo C. Quiboloy at apat pa niyang kasamang akusado sa mga kasong human trafficking nitong Biyernes sa kanilang arraignment sa Pasig City Regional Trial Court Branch 159.

Suot ang isang bullet-proof vest at protective helmet, dinala si Quiboloy sa korte dakong 7:18 ng umaga, kasama ang ilang heavily-armed officials ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Humiling din si Quiboloy sa pamunuan ng PNP na payagan siyang takpan ang kanyang mukha bago ang arraignment, ayon kay PNP spokesperson, Colonel Jean S. Fajardo.

“’Yun ang ni-request nila. Pinagbigyan po natin. Ang importante we can assure you sila naman talaga ito. We cannot risk earning the ire of the judge if we will be bringing different person in their sala,” sabi ni Fajardo.

Nakita rin si Quiboloy na nakasuot ng dark shades at mask upang takpan ang mukha nito sa publiko.

Samantala, sa mismong arraignment ay ipinatanggal ang suot niyang posas at mask upang makita at makilala ng hukom.

Matatandang inakusahan ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ng trafficking ng mga babaeng miyembro ng KOJC, ilan sa kanila ay 12-taong gulang lamang ang edad.

Ayon kay Fajardo, ang korte ang magpapasya kung si Quiboloy at ang kanyang mga kasamang akusado ay kakailanganing dumalo sa bawat pagdinig sa kaso ng trafficking.

“If the court will require their attendance then regardless whether they will remain in our custody or dun sa jail, required ang both BJMP and PNP na dalhin sila kung ‘yun ang order ng court,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Col. Fajardo, mananatili si Quiboloy sa PNP Custodial Center maliban na lamang kung iutos ng korte na ikulong siya sa ibang pasilidad sa labas ng Camp Crame.

Ayon sa Bureau of Jail Management Penology na nagpapatakbo ng Pasig City Jail, handa silang kumuha ng kustodiya sa apat na kasamang akusado ni Quiboloy sa utos ng korte.