Calendar
Rally sa Pasig City parte lang ng 15% ni Leni!
WALANG dapat ipagmalaki ang kampo ni Leni Robredo dahil ang nakuha nitong suporta sa rally sa Ortigas, Pasic City noong nakalipas na Linggo
Ito ang sinabi ni UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon kasabay ng pagbibigay-diin na ang Pasig rally ng kampo ng lugawan ay bahagi lamang ng 15% na followers ni Robredo.
Aniya, kung talagang pinuno ng 80,000 ang buong Emerald Avenue sa Ortigas Center, hindi pa rin batayan ito para madagdagan ang kasalukuyang 15% ratings na nakuha ni Robredo sa nakalipas na SWS survey result.
“Ang problema, hindi lahat ng 80,000 na sinasabi nilang pumunta ay talagang pro-Leni. Ang karamihan diyan ay nagpuntahan dahil sa mga singer, banda at artista. Field trip na may concert rally iyon at hindi talaga campaign rally,” sabi pa ni Gadon.
Ilan sa mga malalaking artista na dumating sa rally ng pinkalawan ay ang bandang Rivermaya, Itchyworms, Ben & Ben, Gary Valenciano, True Faith at marami pang artista mula sa ABS-CBN.
Sinabi ng youtube sensation na senatorial bet na kung ihahambing ang Ortigas rally ng pinkalawan sa rally na ginawa naman ng BBM-Sara UniTeam sa Martinez-Nueva de Pebrero Streets, halos pareho lang ang bilang nito.
Ngunit mas organic, legit at kapani-paniwala ang UniTeam rally dahil ang mga nagsidatingan dito ay mga residente lamang ng Mandaluyong mismo. Walang taga-San Juan, Makati, Sta. Mesa, Sta. Ana o Pasig.
Samantalang ang rally ng pinklawan ay mga hakot hindi lamang mula sa Pasig City kundi sa mga katabi pang bayan at lungsod.
Kung ihahambing ang ‘aerial photo’ mula sa kampo ni UniTeam at pinkalawan, hamak na mas marami ang taong dumating sa rally ng BBM-Sara dahil ang buong kahabaan ng Nueve de Pebrero at Martines Streets ay umapaw pa sa mga katabing kalsada.
“Partida iyan ha? Ang artista lang noong Mandaluyong rally ay si Tony Gonzaga na kamag-anak ni BBM ang asawa. Saka si Karla Estrada na nominee ng Tingog Partylist. Pero kung walang artista tiyak ang pinklawan, malamang nilangaw na sila,” sabi pa ni Gadon.
Ang masaklap, ika pa ni Gadon, ang numerong ipinakita ng mga tagasuporta ni Robredo ay hanggang doon na lang dahil kung ihahambing ang larawang kuha mula sa rally ng pinkalawan at UniTeam, kay Leni ay halatang iyon na ang 15% niyang ratings dahil yung sa BBM-Sara UniTeam ay bahagi lamang iyon ng 46% ni Marcos.
“Bobo na lang ang hindi makatindi nito,” sabi pa ni Gadon.
Bukod dito, hinamon ni Gadon ang kampo ni Robredo na magpakita ng mga dinudumog na motorcade o caravan kasi hindi ito kayang dayain ninuman.
“Alam n’yo ba kung bakit wala silang mga kuha sa caravan? Kasi nilalangaw ang motorcade nila at lahat ng tagasuporta nila ay hakot at bayad kaya doon na lang sa rally naghihintay. Samantalang kay BBM, talagang lumalabas ang tao sa kani-kanilang bahay at gumigitna pa sa kalsada para harangin makamayan lamang si Marcos,” sabi pa ni Gadon.