Lumabas uli pagka-pintasera laitera ni ante
Nov 1, 2026
HANDA SA UNDAS
Nov 1, 2026
Calendar
Metro
Recruitment agency ipinasara
Peoples Taliba Editor
Sep 5, 2022
541
Views
IPINASARA ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang recruitment agency sa Makati City na nagpapatuloy umano sa kanilang operasyon kahit na kanselado ang kanilang lisensya.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople ikinandado ng Anti-illegal Recruitment Branch (AIRB) ng ahensya ang Azizzah International Manpower Services, Inc.
Kinansela ang lisensya ng naturang recruitment agency noong Hunyo 15 dahil sa mga reklamo.
Pero nagpatuloy umano sa pamimigay ng job order para sa household service at skilled workers ang kompanya para sa mga nais magtrabaho sa Saudi Arabia at naniningil ng placement fee na katumbas ng isang buwang sahod ng aplikante.
Sinabi ni Ople na zero tolerance ang DMW sa mga ganitong paglabag.
ANICETE: KULUNGAN MALUWAG PA PARA SA MGA KAWATAN
Nov 1, 2026
Brgy lider sumama sa cleanup drive sa Malate
Nov 1, 2026
KELOT NANAKIT NG ASO SA TAGUIG, NAKAPIIT
Nov 1, 2026
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026

